SAN ISIDRO LABRADOR – PATRON NG MADRID

Si San Isidro Labrador ay isa sa mga patron ng Siyudad ng Madrid.

Tuwing ika-labing lima ng mayo, ang siyudad, kasama ng mga chulapas at chulapos, ay nagsusuot ng pinakamagaganda nilang kasuotan para magbigay kulay at magbigay saya sa Madrid.

Pero bakit nga ba naging patron ng Madrid si San Isidro? Simple lang ito, dahil isa siyang Santo Madrileño, na tumira sa ulong-bayan ng bansang Spain mula noong 1082 hanggang noong 1172 sa plaza de San Andrés, sa Barrio de la Latina, lugar kung saan matatagpuan ngayong ang kanyang museo.

Naabot ni San Isidro Labrador ang kanyang kasikatan dahil sa mga nagawa niyang himala, isa na sa mga ito ay ang mga himala gamit ang tubig, sapagkat kapag kinakailangan niya ito, sapat na ang isang panalangin para makuha ito, ‘’Kapag ginusto ng Diyos, dito’y magkakaroon ng tubig’’.

ANG HIMALA SA POSO

Walang alinlangan na ang pinakakilalang himala na may kaugnayan sa kanya ay ang himala sa poso. Itong kwento na ito ay nagsasalaysay na lumabas si San Isidro, gaya ng kanyang ginagawa araw-araw, para araruhin ang mga lupain ng kanyang mga amo. Nung natapos niya ang oras ng trabaho at umuwi na sa kanyang pamilya, natagpuan niya ang asawa niya na si Maria de la Cabeza na umiiyak sa may pintuan ng bahay. Kwento sa kanya ni Maria na nahulog ang kanilang anak na si Illan sa isang malalim na poso ng tubig at tila ba nadurog ang puso ni San Isidro pagkarinig ng sinabi ng kanyang asawa at ito nga’y nagumpisa na ding umiyak. Pero hindi na nagaksaya ng panahon si Isidro at agad-agad itong nagtungo sa poso habang hawak ang kamay ng kanyang asawa, sabay silang lumuhod at nagumpisang magdasal. Sa oras na iyon, nagumpisang tumaas ang nibel ng tubig hanggang sa ito’y umapaw, dala ang bata pabalik sa taas, na lubusang ligtas.

Ang himala ng poso ay makikita pa rin sa Museo de San Isidro Labrador o Museo de los Orígenes de Madrid.

ANG KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO (IKA-LABING LIMA NG MAYO)

Dahil na nga sa mga himalang kagaya ng kinwento namin kanina, si San Isidro ay naging Santo at Patron ng Madrid. Kaya naman, tuwing ika-labing lima ng mayo, ang araw na siya’y naging beato, ang mga residente ng Madrid o mga chulapo at chulapa, suot ang isang bulaklak ng carnation at isang balabal ng Manila, ay nagtitipon sa parang kung saan niya itinayo ang kanyang milagrosong balon, ang Pradera de San Isidro.

Doon nagtitipon-tipon ang mga pamilya at mga kaibigan para matikman ang gallinejas at matatamis na rosquillas de San Isidro: ang Listas at ang Tontas