MAYO, ANG BUWAN NG BIRHENG MARIA

Nalalapit na ang buwan ng Mayo, ibig sabihin nalalapit na ang buwan ng Birheng Maria. Halina’t sabay nating alamin kung bakit itong buwan na ito ay inilaan para sa Birhen, kung paano siya pinupuri at alin ang tatlong pinakanangingibabaw na destinasyon upang mabisita kung saan nagpakita ang Birhen.

Itong tradisyong ito ay dalawang siglo nang ipinagdiriwang, katugma ng umpisa ng tagsibol at wakas ng taglamig. Ang tagsibol ay sumisimbolo sa ‘tagumpay ng buhay’ kaya naman ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ito ay ang buwan ng Birheng Maria, Ina ni Hesus at ng buhay. Mula noong ika-labing dalawang siglo, mayroon nang pagsamba sa Birheng Maria sa loob ng tatlumpung araw, na tinatawag na ‘Tricesimum’, bagama’t isinasagawa ito mula ika-labing lima ng Agosto, ang araw kung kailan umakyat si Maria sa langit, hanggang ika-labing apat ng Setyembre. Sa ika-labing pitong siglo, itong pagdiriwang na ito ay inumpisahang ilipat sa buwan ng Mayo, at sa ika-labing siyam na siglo, opisyal nang itinatag na ang buong buwan na ito ay ilalaan sa Birhen.

Ang pagdiriwang ng buwan ng Birhen ay higit pa sa pagiging isang tradisyon ng mga Kristiyano, ito ay isang paraan para purihin at magpasalamat sa ating Ina. Kaya naman sa buwan na ito isinasagawa ang iba’t ibang pamamaraan ng pasasalamat, kagaya ng pagrorosaryo, paghahandog ng mga bulaklak o pagninilay sa apat na Marian dogma (si Maria ay Immaculada Concepcion, Siya ay ang Ina ni Hesus, Siya ay Birhen Magpakailanman at ang kanyang pagakyat sa langit).

Sa paglipas ng panahon, ang Birhen ay ilang beses nang nagpakita, pero ang mga pinakanangingibabaw na lugar ay: Fatima, Portugal; Lourdes, France at Tepeyac, Mexico.

SANTUWARYO NG FATIMA, PORTUGAL

Ang Santuwaryo ng Fatima ay isa sa mga pinakaimportanteng Marian na santuwaryo sa buong mundo, itinuturing na lugar ng peregrinasyon at kabanalan na mayroong higit pa sa anim na milyong bisita taun-taon, ito ay dahil sa mga aparisyon ng Birhen sa siyudad na kilala bilang lupain ng mga himala. Ang Birhen ng Fatima, o mas kilala bilang Nuestra Señora del rosario de Fátima, ay ipinagdiriwang tuwing ika-labing tatlo ng Mayo, sapagkat sa taong 1917, tatlong pastor ang nagpahayag na nasaksihan ang aparisyon ng Birhen.

SANTUWARYO NG LOURDES, FRANCE

Lourdes, isa pa sa mga pinakaimportanteng Marian na santuwaryo, ay tumatanggap ng higit pa sa limang milyong bisita galing sa iba’t ibang parte ng mundo kaya ito naging isa sa mga lugar ng peregrinasyon para sa lahat ng gustong bisitahin ito, kung saan madalas nagsisindi ng kandila at kumukuha ng agwa-bendita mula sa balon, dahil sa hindi mabilang na mga himalang nauugnay rito. Sa taong 1858, sa Groto ng Massabielle, nagpakita ang Birhen sa isang katorse anyos na dalagang nagngangalang Bernadette Soubirous, kaya naman kada ika-labing isa ng Pebrero ipinagdiriwang ang araw ng Nuestra Señora de Lourdes.

Itong lugar na ito ay binubuo ng ilang gusali: ang mga basilica ng Inmaculada Concepción, ng Nuestra Señora del Rosario at ng San Pio X, bukod sa tanyag na Groto ng Massabielle, na kilala bilang Groto ng mga aparisyon.

SANTUWARYO NG BIRHEN NG GUADALUPE, MEXICO

Sa hilaga ng Mexico matatagpuan natin ang burol ng Tepeyac, kung saan nakatayo ang Basilica ng Guadalupe, na itinuturing na sentro ng kulto sa Birhen ng Guadalupe, pangalawa sa mga pinakabinibisitang Marian na santuwaryo sa mundo, na tumatanggap mula labing lima at dalawampung milyon ng bisita taun-taon, na hinihigitan lamang ng Vaticano. Ayon sa mga tradisyonal na kwento, sa ika-labing dalawa ng Disyembre ng taong 1531, nagpakita ang Birhen sa indiyong nagngangalang Juan Diego sa burol ng Tepeyac.

Itong santuwaryo na ito ay binubuo ng iba’t ibang gusali: ang Lumang Basilica, gusaling ipinatayo noong 1709; ang bagong basilica, na namumukod-tangi dahil sa kanyang kakaibang pabilog na sahig at sa kulay turkesa nitong bubong; ang parokya ng Capuchinas, parokya ng mga Indiyo, na siyang pinakamatandang gusali sa lahat, kung saan pinangalagaan ang imahe ng Birhen hanggang sa taon ng 1709, na inilipat sa Lumang Basilica; ang kapilya ng Pocito, pinangalanang ganito dahil dati ay mayroong balon na ayon sa simbahan ay nagtalaga ng mga banal na tubig; ang kapilya ng Cerrito bilang pagpuri sa himala ng mga sariwang bulaklak at sa unang aparisyon ng Santa Maria ng Guadalupe at ang Bautisterio.