Para sa mga taong mahilig sa mga malalawak, natatangi at tunay na tanawin, kung may isa mang paraan na hindi karaniwan upang mamangha ay ang pagbiyahe sakay ng tren. Itong uri ng sasakyan, na umugong noong umpisa ng nakaraang siglo, ngayon ay nasa ikalawang posisyon na. Gayunpaman, ang pagbiyahe sakay ng tren ay siya pa ring natatanging paraan upang makapunta sa ilang tanawin ng sariwang kalikasan, ang nakamamanghang kalawakan ng mga lugar na hindi maaaring makita sa ibang pamamaraan. Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay ang magpadala dito sa sampung biyaheng pinakamaganda sa mundo sakay ng tren na makakapagkumbinsi sa iyo na ang importante ay ang biyahe,
hindi ang destinasyon.
#1 Ang ‘’Venice Simplon Orient Express’’ (Europa)
Isang maalamat na tren na pinaguugnay ang mga pinakaromantikong kabisera ng Europa, ang ‘’Venice Simplon Orient Express’’, ang kahalili ng maalamat na ‘’Orient Express’’, ay magdadala din sa iyo sa nakaraan. Mga antigong bagon na yari sa balat, tersiyopelo, magandang uri ng kahoy, kristal…
Habang nilalakbay ang lambak ng Alpes at Danubio, itong marangyang tren ay ibinabalik ang buhay sa ika-dalawampung dekada. Pwede mong tikman ang repinadong luto ng rehiyon na dinadaanan nito sa oras ng tanghalian, pati narin ang mga katangi-tanging bino habang suot ang pinakamagagandang damit papunta sa kotse ng piano-bar. Venice, Istanbul, Prague, Vienna, Budapest, Paris at London, isang biyahe patungo sa mga pambihirang destinasyon, habang namamalagi sa pangdalawang taong kamarote, sa isang
espesyal na okasyon.

#2 Ang ‘’Rocky Mountaineer’’ (Canada)
Isang kadenang naghahandog ng iba’t ibang ruta para matuklasan ang Rocky Mountains ng bansang Canada. Magbibiyahe tayo ng umaga mula Vancouver, para di masayang ang pagkakataong makita ang mga kahanga-hangang tanawin ng kalawakan ng Canada at ang pagtuklas ng Britanikong Columbia. Mga kanyon, mga maningning na lawa, mga lambak, mga talon at mga glacier, ang biyahero ay talagang mamamangha!
Habang nagbibiyahe, ang pangkat ng ‘’Rocky Mountaineer’’ ay magkukwento ng mga kuwento tungkol sa mga katutubo at sa kalikasan na nakapaligid, na pwedeng bisitahin ng panauhin habang nakahinto ang tren. Gabi-gabi titigil ang tren at ang mga biyahero ay magpapahinga sa isang marangyang hotel.

#3 Ang ‘’Chepe’’ (Mexico)
‘’Ferrocaril Chihuahua al Pacífico’’, tunay na pangalan, ay ang kaisa-isang pampasaherong tren ng bansang Mexico, magmumula sa Chihuahua sa norte at tatawirin ang mga kanyon, mga talon at disyerto upang makarating sa Los Mochis sa baybayin ng Pasipiko.
Ang tren na ito ay daraan sa kagila-gilalas na Barranca del Cobre, na mas malalim pa kaysa sa Grand Canyon ng Colorado, at titigil ito sa bawat nayon para makilala ang iba’t ibang komunidad ng Mexico na nagtitinda ng kani-kanilang sining at pagkain sa mismong linya, halimbawa sa Cuauhtemoc (komunidad ng mga menonita) o sa Creel (mga katutubong tarahumaras). May dalawang magkaibang tren na parehong nagmumula kada araw sa Chihuahua, sa unang klase at sa abot-kayang klase, na mas mura pero mas mahabang biyahe dahil mas maraming dadaanan.

#4 Ang ‘’Transiberiano’’ (Russia)
Ang maalamat na tren na tinatawid ang Russia mula kanluran hanggang silangan, na ang totoong pangalan ay Rossiya, ay nagbibigay daan papunta sa mga lugar na imposibleng makita sa ibang paraan. Pinasinayaan noong 1916, pinagdurugtong nito ang mga siyudad ng Moscow at Vladivostok sa isang
distansyang hihigit pa sa 9200 km at tinatawid ang pitong magkakaibang sona ng oras.
Mula Vladivostok, posibleng sumakay sa Transmanchuriano o Transmongol upang makarating sa China. Para sa isang biyahe ng mga katangi-tanging tanawing hindi malilimutan, maaaring pumili mula sa iba’t
ibang pakete na abot-kaya pa din, sa kadahilanang ang Transiberiano ay hindi kailanman naging marangyang tren kagaya ng karamihan sa mga kauri nito. Sa daan, ang mga biyahero ay makakakilala o makakasalamuha ng mga magsasakang uzbeco o kazajo, mga mongol na lagalag, mga mangangalakal na
intsik at mga miyembro ng hukbong ruso.
Mula naman sa Red Square ng siyudad ng Moscow, tatahakin ng tren ang lawa ng Baikal sa loob ng 200 km, o mas kilala bilang taiga siberiana, babagtasin ang ilog ng Amur, pagkatapos, sakay ng Transmongol, ang walang hanggang kapatagan upang makarating sa Beijing sa tabi ng Great Wall ng China.

#5 Ang ‘’Rovos Rail’’ (South Africa)
Binansagang ‘’dangal ng Africa’’, sinasabing ito ay ang pinakamarangyang tren sa buong mundo.
Binabatak ng mga tunay at nakumpuning makina ng halipawpay, pinagkukonekta ang Siyudad ng Cabo at Johannesburgo, ang tren na ito ay bumibiyahe sa mga pinakamagandang lugar ng Timog ng Africa, sa mga sabana, lulusot sa baybayin, sa mga reserba at ang mga sikat na Talon ng Victoria. Ang kalawakan ay nagpapahintulot na makarating sa Zambia, Zimbabwe, Namibia, Tanzania o pati na ang siyudad ng Cairo sa Egypt!

#6 Ang ‘’Royal Scotsman’’ (Scotland)
Meron din ditong isang tren na kilala bilang pinakamarangya sa buong mundo, maging sa ano pa man ito ang pinakamahal! Ang ‘’Royal Scotsman’’ ay naghahandog ng isa sa mga biyaheng pinakamaganda sa daigdig, na tinatahak ang kanayunan ng Scotland. Mula sa mga marangyang tren ng Belle Epoque, na may tipikal na palamuting edwardian, binabalak na posibleng tumanggap lamang ng 36 na katao nang minsanan, ang mga biyaherong masalapi ay dadalhin para matikman ang masasarap na pagkain at bino habang binabaybay ang masasaganang tanawin ng Scotland.
Sisimulan ng tren ang biyahe kasabay ng pagtugtog ng mga bagpipes at maaaring pagmasdan ang lahat ng tanawin mula sa isang bagon-obserbatoryo na mayroong durungawan, habang nilalakbay ang mga lawa at mga kastilyo.

#7 Ang ‘’California Zephyr’’ (United States)
Isang maalamat na tren na dumadaan sa pitong magkakaibang estado ng United States, ang ‘’California Zephyr’’ay handa nang sakupin ang kanluran at kumakatawan bilang isang uri ng transportasyon para matuklasan ang mga awtentiko at sari-saring tanawin ng kanluran ng America.
Pinaguugnay ang mga siyudad ng Chicago at San Francisco, ang Zephyr ay sakop ang mahigit sa 3900 km para sa limampu’t isang oras na biyahe. Komportableng lulan ng abot-kayang klase o kaya ng mga pribadong kamarote, maaaring bumiyahe sa kahit na anong badyet, ang mga pagkain na kasama sa biyahe ay talagang niluluto at mayroon pang kamarote kung saan pwedeng magliwaliw! Kabilang sa mga tanawin na pwedeng maobserbahan habang nasa biyahe ang Rocky Mountains, ang kapatagan ng Gitnang Kanluran, ang Sierra Nevada, ang mga kanyon, mga lawa, mga ilog,…

#8 Ang ‘’tren de la nube’’ (Argentina)
Tren na dadalhin ka sa mga ulap, ang “tren de nubes” na nilalakbay ang Argentina sa bulubundukin ng Andes ay kumakatawan sa isa sa mga pinaka-nakamamanghang tren sa mundo.
Ang ruta ay mayroong labintatlong nakamamanghang tulay na yari sa bakal na dumadaan sa mga mahahabang bangin, isa na dito ang tulay ng Polvorilla. Ang ‘’tren de nubes’’ ay nagmumula sa Salta, sa norte ng Argentina, hanggang sa San Antonio de Los Cobres.

#9 Ang ‘’Ghan’’ (Australia)
Sa ruta ng mga afganong camellero na noon ay nilalakbay ang Australia mula hilaga hanggang timog lulan ng kanilang mga karawan, ang ‘’Ghan’’, na dati ay tinatawag na el expreso afgano ay tinatawid ang mga disyertong lupain ng Australia mula Darwin hanggang Adelaide, at dadaanan din ang Alice Springs.
Mga barangka, mga bangin, mga ilog, mga masukal na lupain, mga kagubatan, ang ‘’Ghan’’ ay dinadaanan ang maraming tanawin, lalo na ang mga disyerto at ang kalakhan ng pulang lupa sa sentro ng bansa.

#10 Ang ‘’Eastern & Oriental Express’’ (Asia)
Isang mamahaling tren kagaya ng kilalang Orient Express, ang ‘’Eastern & Orient Express’’ ay manggagaling sa Singapore, tatawirin ang Malaysia hanggang Bangkok at lumalakbay ng mahigit 2000
km sa loob ng tatlong araw.
Itong maalamat na tren, na ang mga bagon ay galing sa marangyang tren ng New Zealand, ay muling dinisenyo sa repinadong estilong oriental, na pinaghahalo ang pagpapalamuti gamit ang kahoy, kahoy na nilagyan ng barnis at mga oriental na karpet, marami ding mga bagon na nakalaan para pagkainan (kung saan may chef na pranses!), isang bagon na silid-aklatan at isa pang naglalaman ng colonial na galerya kung saan pwedeng tamasahin ang dinadaanang tanawin.
At ito’y talaga namang napakaganda! Sa gitna ng tropikal na gubat, mga palayan, mga bukid ng tsaa, mga palengke (kailangang bagalan ng tren ang takbo nito, minsan pa nga ay nahuhuli ito), mga bahay na itinayo sa mga tambakan o kahit mga lumang bahay na colonial, isa ito sa mga pinakamagagandang ruta ng tren sa buong Asia.
